Teacher -Student,"Friend " sa Facebook
Marami akong friend na teacher sa facebook.Lahat yon ako ang nag initiate ng friend request.Yung iba in accept, yung iba naman snob.Pero hindi lahat ng post nila nila,like ko.Minsan kasi teacher nga sila,pang kalye naman yung mga post nila.I mean ,minsan kasi mababasa mo sa mga post nila na may kaaway sila kasi nagpaparinig,nagpapatama,minsan may kasama pang mura.Parang ang unproffesional lang tingnan ng ganong tao para sa akin kasi hindi nag re reflect yung pinag aralan nila sa mga post nila.Pag ganon yung mga post nila scroll up na lang.Pero nagiging cost din ang fb para pag tsismisan sila ng mga estudyante nila dahil sa mga post nila.Common ang ganyang eksena sa high school,kapag kasi friend sa fb ang teacher at estudtyante niya ,lahat ng post niya nababasa ng estudyante.Minsan natutuutunan niya pati mga bagay na hindi dapat niya alam sa guro niya,kagaya ng intimate relationship nito,sa ibang tao,o mga issues nito sa buhay at sa ibang tao.Yung mga spot ng teacher na hindi naman niya pinapa kita sa loob ng class room, nadi discover ng estudyante dahil sa mga post narin nito.But then,wala namang masama kung friend sa fb ang teacher at student eh!Kung tutuusin mas napapa gaan nga ang klase kapag alam ng bawat isa sa inyon na may ugnayan na kayo hindi lamang sa loob ng classsroom o hindi lamang sa pagiging teacher student,kung hindi bilang friends,kahit panga sa fb lang.
Sa kabilang banda sana lang parehong responsable ang dalawa sa pag gamit ng social media lalo na sa mga post nila,Sabi ng ang GMA Add campaign "Think Before You Click" Para naman ng maging huwaran sila ng lipunan.